Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibinigay na nito sa Pamahalaang lokal ng Bayan ng Pateros ang idinonate sa kanila na mga relief goods ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII).
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, tinanggap ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III ang 110 sakong bigas, 1,000 hygiene kits, 50 reams ng coupon bond papers na gagamitin para sa pag-imprinta ng students’ modules.
Sinabi ni Lim, bilang katuwang ng Bayan ng Patetos sa paglaban kontra COVID-19, humingi siya ng tulong sa nabanggit na grupo upang bigyan ng tulong ang mga residenete ng naturang bayan na apektado ng pandemya.
Aniya, ang Pateros ay kailangan ng supporta at tulong dahil sa limitadong pagkukunan upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente nito na nawalan ng kabuhayan at trabaho ng dahil sa COVID-19.
Matatandaan, si Lim ay itinalaga bilang “Big Brother” ng Intet-Agency Task Force o IATF at inatasan na gabayan at tulungan ang Pateros kaugnay sa COVID-19 response nito.