Pamahalaang lokal ng Makati, pinag-iingat ang publiko sa mga nagkalat na fixer, Isang sunog sumiklab sa kamagong street sa Brgy. San Antonio

Pinag-iingat ngayon ng lokal na Pamahalaan Ng Makati ang publiko sa mga nagkalat na fixer sa kanilang lungsod.

 

Sq inilabas na babala ng Human Resource Development Office o HRDO, maging mapanuri laban sa mga pekeng dokumento at huwag basta-basta maniniwala sa mga taong nag-aalok ng tulong saka sinasabing may kakilala sa loob ng city hall.

 

Upang makaiwas naman sa mga pekeng papeles at manloloko, makipag-transact lamang sa mga lehitimong kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na otorisadong mag-proseso ng mga dokumento mula sa City Hall at sa loob ito mismo ng kanilang tanggapan o designated area of operations.


 

Maaari din i-report ang mga fixer at illegal activities sa HRDO sa numerong 870-1143 o kaya ay mag-email sa hrdo@makati.gov.ph.

 

Samantala, umabot na sa ikalawang alarma ang sunog sa kamagongg street, brgy. San antonio sa makati city.

 

Nagsimula ang sunog, alas-12:47 ng hapon sa K11 club sa Bagtikan Street kung saan ala-1:30 naman ng makontrol ng mga otoridad ang apoy.

 

Inaaalam pa din kung ano ang dahilan ng sunog maging ang halaga ng mga ari-arian na natupok.

 

 

Facebook Comments