Sinuyod ng mga tauhan ng Department of Environmental Services at Makati Action Center ang ilang kalye sa Makati City upang alisin ang mga nakaharang at mga basura sa daan.
Ayon kay Arlen Pangilinan ng Makati City Action Center, nilinis nila ang mga kalye ng Gumamela St. at Adalla St. ng Brgy. Guadalupe Viejo.
Gayundin ang Sampaguita St. corner Xyris St. ng Brgy. Pembo.
Aniya, lahat ay inalis nila tulad ng basurang nakatambak, mga nakaharang sa daanan tulad ng halaman, mga trapal at iba pa.
Nagsagawa rin ng anti-illegal parking operations sa kahabaan ng J.P. Rizal St., A.P. Reyes St., at E. Pascua St.
Paalala niya sa publiko na maging disiplinado at sundin ang mga alituntunin ng kalye at kalsada sa lungsod.
Samantala, umabot na ng 2,584 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Makati City.
1,361 nito ay bilang ng recoveries habang ang 138 ay bilang naman ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.
Dahil dito, nasa 1,085 pa rin ang kabuuang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod.