Pamahalaang lokal ng Muntinlupa, nakatakdang mamahagi ng tablets sa mga mag-aaral

Inihayag ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na nakatakda silang mamahagi ng mga tablet sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Aniya, hinihintay na lang nila ang delivery ng mga nasabing tablet na layunin nitong matulungan ang mga mag-aaral ng lungsod na maka-access sa online learning resources.

Tiniyak naman ng alkalde na priority pa rin ng pamahalaang lungsod ang scholarship program at magpapatuloy ito kahit may pandemya.


Sa kasalukuyan, ang Muntinlupa City Government ay mayroong 71,000 na kabuuang bilang ng scholars kung saan nakakatanggap ng P4,000 ang mga mag-aaral sa elementary kada taon, P5,000 kada taon ang sa junior high school, at P6,00 kada taon ang senior high school.

Habang P10,000 per semester ang mga mag-aaral sa State Universities and Colleges students, kasama rin ang mga benepisyaro ng Reintegrating Students Program.

Facebook Comments