Pamahalaang lokal ng Muntinlupa, namahagi ng face mask sa mga kawani nito

Nakatanggap ng face mask ang mahigit 6,000 na mga empleyado ng Muntinlupa City Hall bilang bahagi ng inisyatibo at hakbang ng pamahalaan ng lungsod kontra COVID-19.

Noong September 15, nag-turnover si Trina Biazon, head ng Muntinlupa Gender and Development Office ng 18,000 na face masks kay Mayor Jaime Fresnedi.

Ayon kay Fresnedi, kasama ring mabibigyan ang mga manggagawa ng Ospital ng Muntinlupa at public schools ng lungsod.


Ginawa aniya ang mga face mask ng mga mananahi ng lungsod na nawalan ng kita ng dahil sa COVID-19 pandemic.

Ito aniya ay sa ilalim ng programang Tulong Pangkabuhayan Para sa mga Displaced Workers (TUPAD).

Dahil dito, tuluy-tuloy na mamamahagi ang pamahalaang lokal ng Muntinlupa ng mga libreng face mask sa mga manggagawa ng gobyerno, kabilang na ang mga frontliner ng lungsod.

Facebook Comments