Pamahalaang lokal ng San Juan City, hihigpitan na ang pagpapatupad ng quarantine protocols

Nabanta si San Juan City Mayor Francis Zamora sa mga residente ng lungsod na hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na quarantine protocols.

Ito’y matapos pagtibayin ang ordinansa na nagpapataw ng mas malaking multa sa lalabag sa quarantine protocols.

Ayon sa alkalde, kaniya nang inabisuhan ang mga pulis, traffic enforcer, at bantay-bayan na paigtingin pa ang pagsita at pagpapaalala habang hindi pa tuluyang umiiral ang ordinansa.


Dahil dito aniya, magiging agresibo ang mga awtoridad sa lungsod sa pagpapatupad ng mga alintuntunin kaugnay sa community quarantine.

Nakasaad sa ordinansa na mag mumulta ng P3,000 ang mahuhuling hindi sumusunod sa social distancing, walang suot o maling pagsuot ng face mask, at hindi pagreport ng kaso ng COVID-19.

P5,000 naman ang multa sa muling lalabag nito at maaaring makulong hanggang tatlong buwan.

Samantala, ang lungsod ng San Juan ay mayroong 550 na kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases, kung saan 47 ang nasawi at 313 naman ang mga nakarekober na mula sa sakit na dulot ng virus.

Facebook Comments