Pamahalaang lungsod ng Makati, may tatlong pinagpipilian para sa COVID-19 vaccine provider

Inihayag ni Makati Mayor Abby Binay na pinagpipilian ng pamahalaang lungsod ang Pfizer, Janssen at AstraZeneca na pagbibilhan ng vaccine kontra COVID-19.

Wala naman sinabi si Mayor Binay kung bakit pinili niya ang tatlo.

Pero aniya susunod pa rin ang lungsod sa proseso na itinilaga ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng Department of Health (DOH) sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19.


Matatandaan, kahapon inanunsyo ni Mayor Binay na naglaan ang pamahalaang lungsod ng isang bilyong pisong pondo para sa pambili ng bakuna na libreng makukuha ng mga residente nito.

Handa rin aniya siya makipagtulong sa mga negosyante ng lungsod ng nais bigyan ng bakuna ang kanilang mga empleyado.

Facebook Comments