31 PDLs ng NBP, panibagong positibo sa COVID-19 Rapid Antigen test

Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BUCOR) na 31 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa Rapid Antigen test na ginawa sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Ayon sa BUCOR, nagsagawa ng confirmatory test ang Directorate for Health and Services sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).

Ang 31 PDLs ay agad inilagay sa isolation area sa loob ng NBP habang ang mga nag negative naman ay ibinalik sa kani-kanilang mga selda.


Patuloy naman ang mahigpit na pag-monitor ng BUCOR sa mga bilanggo para matiyak na hindi na kakalat pa ang virus sa loob ng mga selda.

Facebook Comments