Pamahalaang lungsod ng Mandaluyong, gagamitin na para sa 1st dose ang inilaang bakuna para sa 2nd dose

Inihayag ni Mandaluyong City Health Office Dr. Alex Sta. Maria na gagamitin na nila sa 1st dose ang kanilang inilaang COVID-19 vaccine na gagamitin sana para sa 2nd dose.

Aniya, sa kanilang pagtala, sa ngayon ay mayroon pang 50% COVID-19 vaccine o katumbas na 8,000 doses ng COVID-19 vaccine ang lungsod na inilaan para sa 2nd dose.

Pero simula ngayong araw ay gagamitin na ito sa 1st dose na ibibigay sa mga residente ng lungsod na kabilang sa priority group ng vaccination program.


Ito ay para magtuloy-tuloy ang vaccination drive laban sa COVID-19 ng lungsod ng Mandaluyong.

Ngayong araw, bukas ang 8 vaccination center ng lungsod upang mapabilis ang pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19.

Kung saan kabilang dito ang Pedro P. Cruz Elementary School, Andres Bonifacio Integrated School, Isaac Lopez Integrated School, Hulo Integrated School, La Salle Greenhills East, SM Megamall Mega Vaccination Center (Megatrade Hall 1-3) at Mandaluyong City Medical Center Mega Vaccination Site.

Facebook Comments