Pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, muling inilunsad sa December 29 ang pagbabayad ng tax

Iniusad sa December 29 ngayong taon ang pagbabayad ng tax para sa 2nd quarter hanggang 4th quarter sa lungsod ng Muntinlupa.

Maliban dito, hindi rin sisingilin ng late payment fees at ibang penalties ang mga negosyanteng hindi pa nakakapagbayad ng kanilang taxes obligation para sa nasabing period.

Pero iginiit ni Muntinupa City Mayor Jaime Fresnedi na pagkatapos ng December 29 na hindi pa rin makapagbayad ng tax para ngayong taon, doon lang sila sisingilin ng mga multa.


Layuni aniya nito na tulungan ang mga negosyante ng lungsod na makarekober matapos maapektuhan ang mga ito dahil sa pagpapatupad ng community quarantine na dulot ng COVID-19.

Matatandaan, ngayong taon, ilang beses nang iniusad ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa ang deadline ng pagbabayad ng tax sa lungsod ng dahil sa pandemya.

Facebook Comments