Pamahalaang lungsod ng Pasay at Muntinlupa, nagpaabot na rin ng pakikiramay sa pamilya Aquino

90

Nagpaabot na rin si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, kasama ang buong lungsod ng Muntinlupa at lokal na pamahalaan, ng taos-pusong pakikiramay sa naiwang pamilya ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa alkalde, bilang isang tapat na lingkodbayan, ipinaglaban ni Aquino ang “Daang Matuwid” at pagpapabuti ng mga serbisyo ng pamahalaan, gayundin ang suporta para sa maralitang Pilipino.


Naging katuwang din aniya ang dating Pangulo sa iba’t ibang programa sa lungsod ng Muntinlupa.

Kaugnay nito, agad din na inilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa Muntinlupa City Hall.

Samantala, nagpaabot din ng panalangin at pakikiramay sa Pamilya Aquino si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Pinasalamatan din ng alkalde si PNoy sa aniya’y naging maayos na paglilingkod nito sa bansa.



Facebook Comments