Pamahalaang lungsod ng Pasig, naglabas ng kautusan kaugnay sa pagdiriwang ng 2021 Chinese New Year

34

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Pasig na pwedeng magsagawa ng mga aktibidad kaugnay sa Chinese New Year ngayong taon tulad ng dragon dance pero dapat well-ventilated ang area na paggagawan nito.

Dapat na mahigpit din na sundin ang mga health protocol tulad ng social distancing at pagsuot ng face mask at face shield.


Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, ang nasabing kautusan ay nasa ilalim ng Proclamation No. 986, series of 2020.

Ngayong araw, nakikiisa ang bansa sa pagdiriwang ng Chinese New Year dahilan para magdeklara ang pamahalaan ng special non-working day.

Facebook Comments