Binuksan na ngayong araw ang isa pang vaccination site ng pamahalaang lungsod ng San Juan na para lang sa A4 o economic front liners na itinayo sa loob ng isang shopping center sa Greenhills.
Kasabay nito, ginawa na rin ang dry dun sa pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 para sa A4 category o mga kabilang sa economic front liners bilang simula sa muling pagbubukas ekonomiya sa lungsod.
Ito ay bahagi ng lungsod ng kanilang preparasyon sa malawakang pagbakuna laban sa COVID-19 sa mga indibidwal na kabilang sa A4 category.
Ayon kay San Juan City Mayor Francisco Zamora ang nasabing bagong vaccination site ng lungsod ay kayang mag bakuna ng 1,500 indibidwal kada araw.
Ito aniya ay magiging karagdagan sa 2,000 indibidwal na nababakunahan kada araw sa kanilang vaccination center sa FilOil Flying V Centre.
Handa rin aniya magbukas ng karagdagan mga sinehan sa ibang mall ng lungsod upang madagdagan pa ang bilang ng mababakunahan sa lungsod araw-araw.