Pamahalaang lungsod ng Taguig, agad nagsagawa ng clearing operation matapos manalasa ang Bagyong Uylsses

Agad na nagsagawa ng clearing operation sa mga daan ang Taguig City Government ilang oras matapos humapa ang mga bahang dala ng Bagyong Ulysses kahapon.

Isa na rito ang pagtangaal ng mga natumbang poste ng kuryente sa ilang kalsada ng lungsod.

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano, aga niyang ipinag-utos ang clearing operation sa Local Utility Office (LUO) at City Environment and Natural Resources office (CENRO) na tanggalin ang mga nakaharang sa mga daanan.


Ito aniya ay para maiwasang makadagdag pa sa mga maaaring maging problema tulad ng pagsisikip ng trapiko at pagbaha.

Maliban sa mga poste ng kuryente, pinag-aalis na rin ang mga kable ng kuryente na lumaylay na sa kalsada at mga natumbang puno.

Tiniyak naman ng Meralco sa alkalde na maibabalik ang supply ng kuryente sa lalong madaling panahon sa mga apektadong lugar sa lungsod.

Facebook Comments