Nakipagkasundo na ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa Ocra’s Cold Chain Solution, isang kompanyang mayroong storage facility.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ang nasabing kompanya ay magpapahiram sa pamahalaang lungsod ng 6,500 square meter cold storage facility na paglalagyan ng bakuna kontra COVID-19 na mula sa UK-based bio pharmaceutical company na AstraZeneca.
Aniya ang madaling madadala o ma-de-deliver ang mga vaccine dahil accessible via South Luzon Expressway, Skyway, at C-6 Road ang nasabing pasilidad.
Nabatid na ang vaccine vials ng AstraZeneca ay kailangan ilagay at i-deliver sa normal na refrigerated temperature mula 2 hanggang 8 degrees celsius.
Matatandaang naglaan na ng isang bilyong piso ang pamahalaang lungsod ng Taguig para ipambili ng COVID-19 vaccine kung saan lumagda na si Mayor Cayetano ng kasunduan sa AstraZeneca upang matiyak na makakakuhan ang lungsod ng bakuna laban sa COVID-19.