Pamahalaang Lungsod ng Taguig, nagsasagawa ng RFID installation para sa mga residente nito

Sinimulan na ngayong umaga ang pag-install ng RFID sa mga residente ng Lungsod ng Taguig na may mga sasakyan.

Ayon kay Mayor Lino Cayetano, ito ay isang partnership ng pamahalaang lungsod at ng Autosweep.

Maaga palang nagsimula ng pumila ang mga sasakayan sa likod ng LTO Taguig sa Brgy. Western Bicutan, pero pasado alas-9:00 na ngayong umaga nang magsimula ang installation ng RFID sa mga nakapilang sasakyan.


Tatagal lang aniya ito hanggang mamamayang alas-5:00 ng hapon.

Sinabi ng alkalde na unang 1,000 lang na mga sasakyan ang lalagyan ng RFID.

Payo naman ni Cayetano sa mga residente ng lungsod na nais magpalagay ng RFID sa kanilang mga sasakyan na ihanda na ang Autosweep Forms na pirmado na at P200 na initial load.

Kailangan din aniya na magsuot ng face mask at face shield ang driver ng sasakyan.

Facebook Comments