PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN, KATUWANG NG NEDA UPANG MAKAMIT ANG PAG-UNLAD SA REGION 1

Inihayag ng kinatawan ng Gobernador ng Pangasinan na si Special Assistant to the Governor Von Mark Mendoza na katuwang ng National Economic and Development Authority ang lalawigan ng Pangasinan upang makatulong sa pagkamit ng pag-unlad sa rehiyon.
Dito, ibinahagi ni Mendoza ang kasalukuyang estado ng mga malalaki at kasalukuyang isinasagawang proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan gaya ng pag-usad ng Pangasinan Link Expressway (PLEX), muling pagpapalago sa produksyon ng asin, muling pagtaas ng revenue collections, at iba pang proyekto na nakalinya na pinaniniwalaang sa mga susunod na panahon ay magkakaroon ng malaking ambag sa pag-unlan sa rehiyon.
Ayon pa sa kanya, hindi lamang seryoso ang gobernadora sa mga proyektong ito kundi ang pagsusulong ng good governance sa lalawigan.

Samantala, sa pulong na ito, ay ibinahagi naman ni Engr. Richard Rivera ang NEDA Regional Development Council I ang NEDA RO1 gaya ng mga serbisyo at mga produkto.
Ibinahagi rin nito ang ukol sa Synchronized Planning, Investment Programming, Budgeting, and Monitoring and Evaluation System (SPPBMES) Framework.
Sa huli, lumagda sa Pledge of Commitment ang mga nagsipagdalong opisyal at sector officials bilang suporta sa Regional Development Plans (RDP 2023-2028). |ifmnews
Facebook Comments