NUMBER 3 MOST WANTED PERSON SA SAN CARLOS CITY, ARESTADO NA

Nasa kustodiya na ngayon ng San Carlos PNP ang pangatlo sa mga Most Wanted Person sa nasabing Lungsod.
Ang akusado ay nakilalang si Amado Narra residente ng Brgy. Calobaoan sa nasabing Lungsod.
Inaresto si Narra sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 7610 na may piyansang ₱170, 000.00 at isa pang kahalintulad na kaso na may piyansang dalawang daang libong piso.

Hawak na ngayon ng PNP San Carlos ang akusado habang hinihintay ang order ng korte para sa paglipat sa kanya sa BJMP. |ifmnews
Facebook Comments