Inihayag ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na suportado nito ang kasalukuyang programa ngayon ng Kagawaran ng Kalusugan na Chikiting Ligtas Program na dagdag bakuna laban sa mga sakit na Polio, Rubella at Measles o Tigdas.
Ang naturang programa ay inilunsad nitong unang araw ng Mayo at magtatapos hanggang ika-31 ng Mayo kung saan nagsimula nang magbakuna ang iba’t ibang hospital at Rural Health Unit sa bansa sa mga bata na siyang pangunahing target ng ahensya na bigyan ng proteksyon sa mga sakit na nabanggit.
Target na bigyan ng bakuna para sa Tigdas at Rubella ang mga batang nasa siyam (9) hanggang limampu’t-siyam na buwan (59) at 0 hanggang 59 na buwan naman ang bibigyan ng bakuna para sa sakit na Polio.
Ayon kay Pangasinan Governor Ramon Guico III, suportado umano nito lahat ng programa ng DOH lalong lalo na kung makakatulong ito upang mas maging mabuti ang kalagayan ng mga ito lalong-lalo na ng mga bata. Ayon pa sa kanya, kung magpapabakuna ay maaari at posibleng maiwasan ang mga sakit na ito.
Hinihikayat ng opisyal ang lahat ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak upang protektado ang mga ito kung saan binigyan diin nito ang responsible parenthood bilang parte sa pangangalaga ng kanilang mga anak.
Magtungo na lamang sa mga pinakamalapit na hospital o Health Center para makakuha ng libreng serbisyong ito ng DOH. |ifmnews
Facebook Comments