TINATAYANG 600K NA KATAO, DUMAGSA SA NAGANAP NA BANGUS FESTIVAL 2023 NG DAGUPAN CITY

Tinatayang nasa 600, 000 ang mga tao, bisita at turistang nagmula sa ibang bayan at lungsod ang naitalang crowd number na dumagsa sa ipinagdiwang na World Renowned Bangus Festival 2023 ng Dagupan City nito lamang April 30.
Bunsod umano ito ng mga sorpresang inihanda ng siyudad na dala ang mga banda at mga guest na bumisita sa selebrasyon upang ihatid ang fun and excitement para sa mga ito.
Nasa higit 20, 000 naman ang bilang ng mga naihaw na Bangus Dagupan kasama ang iba pang seafood products sa highlight na Kalutan ed Dalan Street Party, na dinaluhan ng ilang mga opisyales mula sa lokal at nasyonal na gobyerno upang pangunahan ang lighting.
Sa kabuuan ay matagumpay ang pagdiriwang ng BangusFestival 2023, at ilan pang mga aktibidad na naganap sa magkaparehong araw tulad na lamang ng BIDA Fun Run na nilahukan naman ng nasa higit 12, 000 na mga runners. Naitala rin itong pinakamataas na bilang ng mga kalahok sa kampanya laban droga na ayon mismo sa tanggapan ng DILG.
Facebook Comments