PAMAMAALAM | Retired Police Director General Ronald Dela Rosa, inisa-isa ang mga nagawa sa pamumuno sa PNP

Manila, Philippines – Iniisa isa ni Retired Police Director General Ronald Dela Rosa ang kanyang mga accomplishment sa isang taon at siyam na buwang pamununo sa Philippine National Police.

Sa kanyang Valedictory address, sinabi niyang mahigit 130 libong drug suspek ang naaresto at mahigit 4 na libong mga drug suspek ang nasawi.

Mahigit walong milyong naman ang binistang bahay ng PNP kaugnay sa kanilang Oplan Tokhang program kung saan sumuko ang mahigit isang milyong drug suspek.


Ipinagmalaki rin ni Dela Rosa na sa kanyang pamamahala sa PNP, aabot sa mahigit 22 bilyong piso halaga ng mga shabu laboratory ang nalansag ng PNP.

Dahil naman sa maigting na kampanya nila kontra droga, 131 pulis ang nasawi sa drug operation habang 346 ang naitalang sugatan.

Bumaba rin aniya ng 27 porsyento ang krimen sa bansa mula 2015 hanggang 1st quarter ng 2018.

Matatandaang sinabi ni Dela Rosa na uuwi siya agad sa Davao City upang makapagpahinga kasama ang kanyang pamilya bago umupo bilang Bureau of Correction Chief.

Samantala, nagpasalamat naman si Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Dutere sa ipinagkaloob na tiwala sa kanya para pamunuan ng PNP.

Facebook Comments