Uumpisahan na ngayong linggo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng ₱5,000 sa mga manggagawa na apektado ng COVID-19.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, ang cash assistance ay nakabatay sa payroll na ibinigay ng kanilang mga employer.
Ibibigay, aniya, nila ito sa employer at ito na ang bahalang magbigay sa kanilang manggagawa.
Kasabay nito, tiniyak ni Bello na may matanggap na cash assistance ang mga informal workers sa bansa na nawalan ng trabaho kabilang ang mga nagtitinda sa bangketa, tricycles driver, padyak drivers at iba pa.
Kabilang kasi, aniya, ang mga ito sa emergency employment program ng pamahalaan kung saan bibigyan ng trabaho ang mga ito para kumita.
Facebook Comments