Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, pasisimulan na ngayong linggo

Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development sa loob ng linggong ito ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program o SAP.

Sa laging handa publis press briefing, sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje na tinatapos na lamang nila ang validation sa mga pangalan ng kwalipikadong benepisyaryo.

Ayon kay Paje, uumpisahan na nila ang pamimigay ng SAP subsidy sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na dumaan ang listahan sa verification.


Isusunod na aniya nilang ma-aayudahan ang mga lugar na nakapagsagawa na ng validation process ng mga benepisyaryo.

Paliwanang pa nito na kailangan nilang gawin ang validation at verification process upang masiguro na walang mado-doble sa makatatanggap ng ayuda at mapunta ang pera sa mga dapat na benepisyaryo at tunay na apektado ng krisis.

Facebook Comments