Pinapatiyak ng mga senador na mabilis at ligtas na maipapamahagi ang ayuda sa lahat ng mga benepisaryo nito na lubhang apektado ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Senator Grace Poe, bagama’t hindi sapat ang tulong pinansyal ng gobyerno, kahit papaano ay makakapagtawid ito ng gutom lalo na sa mga nawalan ng trabaho.
Umaasa naman si Poe na magiging sistematiko at mabilis ang distribusyong nito.
Sabi naman ni Senator Risa Hontivers na walang lugar ang pagiging pabaya sa pamamahagi ng ayuda na malaking bagay lalo na sa mga kababayan nating walang-wala.
Kung tutuusin, ayon kay Hontiveros at Senator Francis “Kiko” Pangilinan, dapat ay naibigay na ang ayuda bago pa ipatupad ang ECQ para nakapaghanda at nakapag-imbak ng pagkain ang mga nangangailangan.
Paalala ni Pangilinan, kapag walang makakain sa hapag ay mapipilitang lumabas at makipagsapalarang kumita ang tao kahit nakaumang ang panganib na mahawa sila ng COVID-19 Delta variant.