Iginiit ng Malacañang na hindi kakayanin ng pamahalaan na maabot ang kondisyon ng Metro Manila mayors na mamahagi ng cash assistance o ayuda para sa panukalang pagsasailalim sa National Capital Region (NCR) sa dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ).
Katwiran kasi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala ng sapat na pondo para rito.
Kapag nagsara muli ang ekonomiya, maraming tao na naman ang mawawalan ng trabaho.
Pero gayumpaman, sinabi ni Roque na tatalakayin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagay na ito at papakinggan ang mga rekomendasyon ng mga alkalde.
Dagdag pa ni Roque, hindi natalakay ang rekomendasyon ng NCR mayors kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng gabi dahil sa technical issues sa parte ni MMDA Chairperson Benhur Abalos.