Posibleng masimulan na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng apektado ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quaratine (ECQ) sa Metro Manila ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG)
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, agad silang maglalabas ng guidelines kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of National Defense (DND) para sa proseso ng maayos na pamamahagi ng ayuda.
Dahil dito, nakiusap si Malaya sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan ng sapat na oras para na ayusin ang kanilang distribution team, magtakda ng mga distribution points maging ang listahan ng mga bibigyan ng ayuda.
Dagdag pa ni Malaya, kailangan din paghandaan ng mga bangko ang paper bills na ipapamahagi sa mga apektadong residente.