LALAKING NAUNA NG TINANINGAN NG ANIM NA BUWAN SA BAYAN NG AGUILAR NAGPAKAMATAY

AGUILAR, PANGASINAN Patay na ng matagpuan ang isang singkwentay singko anyos na magsasaka matapos itong magpakamatay sa bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Ang biktima ay nakilalang si Reynaldo Resuello residente ng Brgy. Bocboc East sa nasabing bayan.

Nakita ito ng kanyang anak na nakabitin sa kisame ng kanilang bahay gamit ang isang pinulupot na kurtina na itinali sa leeg.


Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na nauna ng inoperahan dahil sa goiter ang biktima at dumaranas ng matinding depresyon dahil sa hypertension kung saan sa huli nitong pag punta sa hospital ay tinaningan ito ng anim na buwan na lang dahil sa stage 4 cancer nito.

Facebook Comments