Tiwala ang Quezon City Government na matatapos nito ang distribusyon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) cash assistance sa itinakdang deadline sa Agosto 31.
Hanggang kahapon, nasa 82. 29% na ang completion ng pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo.
Base sa datos ng city government, nakapamahagi na ito ng P2,096,614,000 cash assistance sa may 2,096,614 low-income individual o katumbas ng 668,342 na pamilya mula noong Agosto 11 hanggang 24.
Una ng binigyan ng labing limang araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Local Government Units (LGUs) para ipamahagi ang ayuda at natapos na noong Agosto 25.
Muling pinalawig ang deadline sa katapusan ng buwan alinsunod sa kahilingan ng mga LGU.
Facebook Comments