Malapit nang makumpleto ng pamahalaan ang pamamahagi ng cash aid sa mga manggagawang nasa maliliit na negosyo na apektado ng COVID-19 pandemic.
Sa ika-12 weekly report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, aabot na sa higit ₱44 billion na halaga ng subsidies para sa dalawang buwan ang nailabas para sa mga benepisyaryo ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program.
Para sa first tranche, 3.05 million o 98% ng 3.09 million qualified beneficiaries ang nakatanggap ng cash grants na nagkakahalaga ng ₱22.78 billion.
Ang natitirang 40,000 empleyadong sakop ng unang tranche ay hinihintay ang confirmation o nire-require ang correction sa kanilang bank account numbers o cellphone numbers.
Para sa second tranche, 2.96 million o 97% ng kwalipikadong benepisyaryo ay nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱21.24 billion.
Inaasahang matatapos ang payout ngayong buwan.
Kaugnay nito, nasa 17.65 million o 98% ng 17.94 million low-income households ay nakatanggap na ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Nasa 1,146 Local Government Units (LGU) ang nakapagsumite na ng partial o complete liquidation report para sa first tranche ng SAP.