Mas pinabibilisan at pinapahusayan pa ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno ang pagbibigay ng tulong sa sektor ng transportasyon at agrikultura sa harap ng panibago na namang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Tinukoy ni Villanueva na nitong June 1 ay P1.17 bilyon pa lang na ayuda ang naipapamudmod ng gobyerno samantalang P6.1 bilyon ang nakalaan para sa fuel subsidy ayon sa National Economic and Development Authority.
Nanawagan din si Villanueva na maglaan ng dagdag na P2 bilyon para sa ating mga magsasaka at mangingisda.
Diin ni Villanueva, kulang na kulang ang P500 milyon na fuel subsidy program para sa mga magsasaka at mangingisda.
Facebook Comments