Pagdiriwang ng makasaysayang Wagayway Festival ng Cavite, isasagawa ng DFA

55
Courtesy: Hello Travel

Hinikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng makasaysayang Wagayway Festival ng Cavite.

Ayon sa DFA, ang selebrasyon ay isasagawa rin ng DFA Online ng Philippine festivals sa June 25 2022, alas-10:00 ng umaga sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism, National Commission for Culture and the Arts, at ng National Historical Commission of the Philippines.

Paliwanag pa ng DFA na para makasali sa pagdiriwang, mangyaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Philippine Embassy o Consulate General sa inyong lugar at maari ding bisitahin ang DFA Facebook page para sa mga kaganapan.


Dagdag pa ng DFA na ang proyekto ay naglalayong ipakilala at ipakita ang mga pagdiriwang, kultura, at tradisyon ng Pilipinas at hikayatin ang mga turista na bumisita na ngayong binuksan na ang mga border ng bansa.

Facebook Comments