Pamamahagi ng ayuda sisimulan na bukas – DSWD

Uumpisahan na bukas ng mga Local Government Units (LGUs) ang pamamahagi ng isang libong pisong ayuda sa mga kababayan nating nawalan ng hanapbuhay kasunod nang pag-iral ng ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Director Usec. Irene Dumlao na ngayong araw ibaba ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga apektadong LGUs.

Tukoy na aniya ang mga benepisyaryo ng ayuda at ito yung mga nabigyan ng financial assistance mula sa Social Amelioration Program (SAP).


Nakasaad aniya sa memorandum ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga LGUs na tukuyin ang pinakamabilis na paraan upang maipamahagi ang assitance, ito man ay in kind o cash.

Ani Dumlao, kapag cash ang ibibigay na tulong dapat maipamahagi ito ng LGU sa loob ng 15araw at kapag in kind naman dapat itong mai-distribute nang hanggang 30 araw.

Isang indibidwal o hanggang 4 na miyembro ng kada pamilya ang bibigyan ng tulong.

Matatandaang sa pagtaya ng Department of Budget and Management (DBM) mayroong 11.2-M na indibidwal ang magiging benepisyaryo sa NCR, 3-M sa Bulacan, 3.4-M Cavite habang 2.7-M sa Laguna at 2.6-M sa Rizal o kabuuang ₱22.9-B na pondo.

Facebook Comments