Suspensyon sa pagdinig sa mga korte na sakop ng extended ECQ, pinalawig ng Korte Suprema

23

Pinalawig pa ng Supreme Court ng isang Linggo ang suspensyon sa mga pagdinig sa lahat ng mga korte sa mga lugar na sakop ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kabilang dito ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at suspendido ang mga pagdinig sa mga hukuman simula ngayong araw (Lunes, April 5) hanggang sa Linggo April 11.


Nilinaw naman sa kautusan na nilagdaan ni Acting Chief Justice Estella Perlas-Bernabe na napagkasunduan din sa court en banc na kabilang din sa mga sarado ang Supreme Court, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at mga trial courts sa National Capital Judicial Region.

Inatasan naman ng Korte Suprema ang bawat head ng mga opisina na magtalaga ng skeletal force na tatanggap o haharap sa mga mahahalagang bagay, tulad ng pagproseso sa sweldo ng kanilang mga empleyado.

Facebook Comments