Pamamahagi ng bisikleta sa mga manggagawa, itinuloy ng DOLE

Itinuloy ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng mga katuwang ahensya at sektor ang pamamahagi ng mga libreng bisikleta sa mga manggagawa.

Ayon sa DOLE, 800 bisikleta ang ipamamahagi sa mga benepisyaryong napili ng mga lokal na pamahalaan.

Ang FreeBis ay isang proyekto sa ilalim ng Integrated Livelihood Program ng DOLE na layong makatulong sa mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.


Bukod sa Maynila, may katulad din na aktibidad sa Muntinlupa, Mandaluyong at Pasig maging sa Tuguegarao, Cagayan, Bacoor-Cavite at Legazpi City sa Albay.

Ang mga benepisyaryo sa Metro Manila ng libreng bisikleta ay maaaring maging “delivery riders” sa pakikipag-tulungan sa Grab at Lala Food.

Maliban sa bisikleta, ang mga benepisyaryo ay may natanggap na helmet, kapote at Android mobile phone na mayroong ₱5,000 load para sa electronic payment application.

Bago magamit ng mga benepisyaryo ang kani-kanilang bisikleta, binasbasan muna ito ng isang panauhing pari at ipinagdasal ang kaligtasan ng mga delivery rider.

Facebook Comments