Nagsimula nang pumila kaninang umaga ang mga pamilya na makakatanggap ng financial assistance sa Barangay Hagdang Bato Itaas ng Mandaluyong City.
Pasado alas-8:00 ng umaga nang magsimulang tumanggap ng mga benepisyaro ang mga kawani ng nasabing barangay kung saan ang venue ay sa kanilang covered court.
Ayon kay Brgy. Captain Edmon Espiritu, mayroong mahigit 2,300 families na beneficiaries ng nasabing ayuda ang kanyang barangay.
Pero sinabi niya na naka-schedule ang bawat pamilya na kukuha ng kanilang financial assistance upang masunod ang social distancing.
Bago pumasok sa covered court ang beneficiaries, kukunan muna siya ng body temperature, isa-sanitize, at kailangan i-scan ang kanilang MandaTrack.
Sa kabuuang, aabot ng magigit 91,000 families ng Mandaluyong ang makakatanggap ng nasabing ayuda para sa P364,595,000 na ponding ibinigay ng nasyonal na pamahalaan.
Pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Abalo ang nasabing pamamahagi ng financial assistance.
Sinaksihan naman ito ni Assistant Secretary Bernardo Florece, Officer-in-charge ng Department of The Interior and Local Government (DILG) at Testing Czar Secretary Vince Dizon.