Pamamahagi ng cash aid sa lungsod ng San Juan, nagpapatuloy sa 5 barangay ngayong araw

Tuluy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng cash aid ng pamahalaang lungsod ng San Juan sa limang mga barangay nito ngayong araw.

Batay sa datos ng pamahalaang lungsod, ang limang Barangay ay ang Barangay Kabayanan na mayroong 812 na benepisyaryo, Barangay San Perfecto na mayroong 809 na benepisyaryo at Barangay Batis na may 1,000 na benepisyaryo na parehong nagsimula ng alas-8:00 kaninang umaga at matatapos ng alas-5:00 ngayong hapon.

Kasama rin dito ngayong araw ang Barangay West Crame na mayroong 1,000 na benepisyaryo na nagsimula ang pamamahagi alas-8:00 kaninang umaga at matatapos mamamayang alas-6:00 ng gabi.


Ang Barangay Pasadena ang hanggang ala-1:00 ng hapon ang pamahagi ng ayuda na sinimulan kaninang alas-8:00 rin ng umaga dahil mayroon lamang itong 403 na mga benipesyaryo.

Sa kabuuan, umabot na ng 16 na mga barangay ng lungsod at 11,274 na mga ang indibidwal ang nakatanggap na ng nasabing cash aid.

Facebook Comments