Pamamahagi ng cash aid sa mga manggagawang naapektuhan ng umiiral na ECQ, target tapusin bago ang buwan ng Mayo

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maipamahagi na hanggang April 30 ang cash aid sa aabot sa 321,000 manggagawang naapektuhan ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay DOLE Under Secretary Dominique Rubia –Tutay, aabot na sa 98 % ng mga establisyemento ang humingi ng ayuda sa DOLE-Camp Program para sa kanilang manggagawa.

Mula aniya sa 1.2 milyong mangggagawang nag-aapply sa nasabing programa, higit 264,000 na rito ang nakatanggap ng 5,000 pesos cash aid.


Nabatid na karamihan sa mga pinakaapektadong manggagawa ay naitala una sa; Metro Manila; kasunod ang Central Luzon; CALABARZON; Davao Region at Region 2; Central Visayas; Cordillera Region, Region 10 at Bicol Region.

Facebook Comments