Pamamahagi ng cash aid sa mga OFW, pinakukumpleto ni Pangulong Duterte bago ang Pasko

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Labor and Employment (DOLE) na kumpletuhin ang distribusyon ng financial assistance sa displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) pagdating ng Pasko.

Hiningi ni Pangulong Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III hinggil sa estado ng pamamahagi ng OFW cash aid.

Aniya, binigyan ng malaking pondo ang DOLE para mabigyan ng ayuda ang mga OFW na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.


Sagot ni Bello, magsisimula na sila sa pamamahagi ng cash aid sa November 15 at inaasahang matatapos sa November 20.

Ang DOLE na nakapamahagi na ng ₱3.5 billion mula sa ₱5 billion na pondong inilaan para sa programa.

Facebook Comments