Inihayag ng Pamahalaang lungsod ng Pasig na umabot na ng ₱54,847,000 ang naipamahagi ng lungsod na financial assistance simula noong Biyernes.
Kahapon, nasa 2,725 pamilya o 8,682 indibiduwal na beneficiaries ang mabigyan ng nasaging ayuda sa Barangay Maybunga, Pasig na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ngayong araw muling aarangkada ang house-to-housena papamamahagi ng ayuda sa mga pocket of poverty ng lungsod tulad sa Barangay Rosario.
Batay sa abiso ng nasabing pamahalaang lungsod, naka post sa kanilang official Facebook account ang mga pangalan na kasamang mabibigyan ng nasabing ayuda.
Matatandaan, umabot ng 681,743,000 ang ibinigay na budget sa Pasig mula sa nasyonal na pamahalaan para sa 31,626 na pamilya lubhang na apektuhan ng muling pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ bunsod ng COVID-19 pandemic.