Pamamahagi ng COVID-19 cash aid, nakumpleto na – DILG

Nakumpleto na ang pamahahagi ng cash assistance sa mga benepisyaryo sa loob ng NCR Plus bubble.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na nasa ₱22,889,119,154 (₱22.9 billion) ang naibigay sa 22,915,422 beneficiaries mula sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite.

Nasa walong local government units (LGUs) ang magsasauli ng mga hindi nagamit na pondo sa Bureau of Treasury na nasa ₱26,302,846.


Ang mga LGUs ay ang Navotas; Bacoor; Imus; Alfonso; General Emilio Aguinaldo; at Magallanes sa Cavite; Los Baños, Laguna; at Baras, Rizal.

Facebook Comments