Pamamahagi ng COVID-19 cash aid sa Catanduanes, sinimulan na ng DOLE

Sinimulan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng ₱13 billion COVID-19 cash aid.

Sa pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF), sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakapaloob na rito ang ₱3 billion na ayuda para sa sektor ng turismo at ₱300 million para sa mga teachers at non-teaching positions.

Ang payout ay inumpisahan na sa Virac, Catanduanes kabilang ang mga bayan ng Bato at Tupad.


Nitong Oktubre, nakatanggap ang DOLE ng ₱13 billion para sa pagpapatupad ng COVID-19 adjustment measures program (CAMP), Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) at Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) programs.

Sa nasabing halaga, ₱6 billion ang inilaan sa TUPAD o cash for work program na inaasahang matutulungan ang 863,867 individuals.

Nasa ₱5 billion ay para sa CAMP bilang financial assistance sa 993,432 private establishment workers na naapektuhan din ng pandemya.

Ang natitirang ₱2 billion ay ipinamahagi sa 200,000 displaced OFWs sa ilalim ng AKAP program.

Facebook Comments