Pamamahagi ng ECQ ayuda, pinalawig hanggang May 15, 2021 ng DILG

Pinalawig ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residenteng naapektuhan ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR Plus areas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pagkakataon ito para mabigyan ng sapat na panahon ang mga Local Government Unit (LGU) na maibigay sa 22.9 million low-income families ang tulong pinansyal hanggang May 15.

Matatandaang ilang LGU ang umapela sa DILG na palawigin pa ang pamamahagi ng ECQ ayuda dahil sa ilang protocol na ipinatutupad ngayong may pandemya.


Una nang sinabi ni Roque na umabot na sa ₱4 billion ang naipamahaging cash assistance mula sa ₱22.9-billion pondo.

Facebook Comments