Pamamahagi ng ECQ financial aid sa mga residente ng Quezon City, hanggang ngayong Miyerkules na lang ayon sa LGU

Hanggang May 12 na lamang mamamahagi ang Quezon City Government ng financial aid sa mga kwalipikadong benepisyaryo na nasa opisyal na listahan.

Ayon sa City Treasurer’s Office, nasa P100 million pa ang natitirang pondo para sa mga benepisyaryo.

Giit ni Mayor Joy Belmonte, pagtutuunan naman ng lokal na pamahalaan ang apela ng iba pang eligible citizens na hindi naisama sa listahan para makakuha ng ayuda.


Paliwanag ng alkalde, mula April 7 ay abot na sa 96% o P2.38 billion na financial aid ang naipamahagi na ng lokal na pamahalaan sa qualified beneficiaries sa lungsod.

Sa ngayon, nasa 758,525 families o 2,381,863 individuals ang nakakuha na ng monetary aid na P1,000 hanggang P4,000 para sa pamilya na may apat o higit pang miyembro.

Facebook Comments