Pamamahagi ng face mask sa mga lugar na apektado ng volcanic smog, panawagan ng isang kongresista sa DOH

Umapela si AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa Department of Health o DOH na mamahagi ng N95 face mask at iba pang protective equipment sa mga lokal na pamahalaan at mga komunidad na apektado ng volcanic smog.

Ayon kay Reyes, kahit humupa na ang volcanic smog sa paligid ng bulkan ay kailangan pa rin tayong maging handa.

Ang panawagan ni Reyes sa DOH ay kasunod ng pahayag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Director Teresito Bacolcol na posibleng maulit ang volcanic smog lalo’t patuloy ang paglalabas ng Taal Volcano ng sulfur dioxide.


Paalala ni Reyes, nananatilong nasa ilalim ng Alert Level 1 ang Bulkang Taal na nangangahulugan na maaaring mangyari uli ang phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations of volcanic gas.

Kaugnay nito ay pinangunahan na rin ni Reyes ang pamamahagi ng facemask drives sa ilang komunidad sa Batangas na apektado ng volcanic smog.

Facebook Comments