Patuloy na pagtataguyod ng ating soberenya, mensahe ni AFP Chief of Staff Gen. Brawner sa Phil. Navy

Pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang lahat ng naval personnel na patuloy na ipaglaban at itaguyod ang soberanya ng bansa.

Ginawa ng military chief ang pahayag sa kanyang pagbisita sa punong tanggapan ng Philippine Navy sa Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.

Ayon kay Brawner, dapat maitatak sa isipan ng bawat Filipino ang ating karapatan at sovereign rights sa ating teritoryo sa kabila ng maraming kinakaharap na pagsubok.


Muli rin nitong ipinaalala ang mahalagang papel ng Phil. Navy sa ating depensa at pagpapayabong ng bansa.

Kasabay nito, binigyang papuri din ni Brawner ang Phil. Navy dahil sa kanilang walang sawang dedikasyon na protektahan ang bansa at nangakong susuportahan sila bilang bahagi ng AFP modernization program.

Facebook Comments