Manila, Philippines – Sisimulan na ngayong Hunyo ang pagkakaloob ng karagdagang limang libong pisong tulong pinansyal sa mga estudyante naapektuhan ng bagyong Yolanda na humagupit sa bansa noong 2013.
Ito ang inihayag ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Popoy De Vera sa ginanap na press briefing sa palasyo.
Ayon kay De Vera, nilagdaan na ang Implementing Rules and Regulations o IRR kaugnay sa pagkakaloob ng nasabing salapi sa mga benepisaryo.
May instruksyon din aniya ang Office of the President na bilisan ang proseso hinggil dito.
Ayon kay De Vera ang nasabing financial assistance ay mula sa kabuuang 540-million pesos na yolanda fund na hindi nagamit noong 2016.
Kabilang sa mga makikinabang ay ang mga estudyanteng naka-enroll ngayon sa mga unibersidad, pampubliko man o pribado, na biktima super typhoon Yolanda.
“So this appropriation of about 540 million is residual money coming from Yolanda funds that were not utilized in 2016. The Office of the President instructed CHED to expedite the use of this money. So we are ready to… We are sending notices to all the public and private universities in Yolanda- affected areas that the money will be available to them,” ayon kay De Vera.