Terror attack sa isang mosque sa London, kinundena ng DFA

24

London – Kinundena ng Department of Foreign Affairs ang terror attack sa Finsbury Park Mosque sa London, United Kingdom.

Ayon sa DFA, ang nasabing pag-atake ay taliwas sa values ng Pilipinas at UK bilang peace-loving na mga bansa.

Sa naturang terror attack, isa ang nasawi at sampu ang nasugatan.

Una nang kinumpirma ng Philippine Embassy sa London na walang Pilipinong naapektuhan sa pag-atake sa isang mosque sa London.

Facebook Comments