Umapela na rin ang Department of Agriculture sa Commission on Elections (COMELEC) na i-exempt sa poll spending ban ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda.
Ayon kay DA Secretary William Dar, dalawang linggo na ang nakalilipas nang mahinto ang distribusyon sa P500 million fuel discount vouchers sa mga nagtatanim ng mais at mga mangingisda dahil sa election spending ban.
Aniya, libu-libo na rin ang nabigyan nila ng tig-P3,000 fuel discount cards bago ito ipinatigil.
Nauna nang pinayagan ng COMELEC ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga public utility vehicle (PUV) driver at operator.
Nabatid na ang sector ng transportasyon at agrikultura ang pinakaapektado ng serye ng taas-presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin.
Facebook Comments