Mga lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban, umaabot na sa 2,413

66

Patuloy ang pagdami ng mga naaresto dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban na ngayon ay umaabot na sa 2,413.

Ang mga ito ay nahuli sa 2,307 checkpoint operations na isinagawa ng Philipine National Police (PNP) mula January 9, 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Batay sa tala ng PNP Command Center, karamihan sa mga naaresto ay mga sibilyan na nasa 2,326, 40 ang security personnel, 14 ang miymebro ng PNP, 11 ang tauhan ng AFP, at 22 ang iba pa.


Nangunguna sa bilang ng mga naaresto ang National Capital Region (NCR) na nasa 897; kasunod ang Region 4A na nasa 259; Region 7 na nasa 249; Region 3 na nasa 243; at Region 6 na nasa 142.

Nakumpiska ng PNP sa mga ito ang 1,856 firearms na karamihan ay small arms; 877 deadly weapon kabilang ang 96 pampasabog; at mahigit 10,000 na mga bala.

Facebook Comments