Nagsimula na ang pamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng fuel subsidy sa transport operators sa Ilocos Region.
Sa ilalim ito ng Pantawid Pasada Program na layong maibsan ang pasanin ng public utility drivers dahil sa mataas na presyo ng petrolyo.
Sa ngayon, umabot na sa 4,224 operators ang nakatanggap ng ayuda mula sa LTFRB-1 kung saan karamihan sa mga ito ay mga drayber ng Public Utility Jeepneys na nasa 3,528, sinundan ng 488 na bus driver, 43 taxi driver, 125 van at 40 na driver ng tourist transport service.
Ayon sa Chief Transportation Development Officer na si Atty. Anabel Nullar, 400 pang karagdagang operators ang makakatanggap ng subsidiya sa ilalim ng programa.
Habang inaasahang magkakaroon pa ng ikalawang bugso ng subsidiya matapos maglaan ang gobyerno ng karagdagang P2 billion para sa programa.